|
Post by westgold on Jul 18, 2017 17:50:04 GMT 9
MANILA, Philippines - Tumaas at napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang trust at approval rating ng nakararaming Pilipino sa kabila ng pagdedeklara nito ng Martial Law sa Mindanao batay sa inilabas na resulta ng survey kahapon. Batay sa June survey ng Pulse Asia, si Pangulong Duterte ay nakakuha ng approval rate na 82 percent at trust rating na 81 percent. Ang kanyang approval rating ay umakyat ng 4 percent mula sa nakuhang 78 percent noong Marso. Ang 81 percent na kanyang trust rating ay tumaas ng 5 puntos mula 76 percent noong Marso 2017. Isinagawa ang survey sa may 1,200 respondents na may edad 18 pataas noong June 24-29.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagpapasalamat ang Malacañang sa patuloy na pagtitiwala ng taumbayan kay Pangulong Duterte. www.philstar.com/police-metro/2017/07/18/1720703/approval-trust-rating-ni-duterte-tumaas-pulse
|
|