|
Post by westgold on Apr 16, 2013 8:32:10 GMT 9
MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Ecowaste Coalition ang mga magulang sa pagbili ng mga pang-kulay o krayola at lapis na ibinibenta sa mga bangketa at ilang school supplies outlet sa Sta Cruz, Quiapo at Divisoria sa Maynila. Ayon kay Ecowaste acting national coordinator Aileen Lucero, ang nasabing mga gamit ay kontaminado ng mapanganib na kemikal na mercury na makakasira sa kalusugan ng mga kabataang estudyante. Ilan umano sa mga krayola na napatunayan ng grupo na may mataas na lebel ng mercury ang mga may brandname na Mingda colorful crayons na karamihan ay naka-pakete sa mga karton na may drawing ng mga sikat na cartoon character. Sa mga lapis naman ay karamihan sa mga nagtataglay ng mataas na lebel ng mercury ay pawang mga gawa sa China na may tatak na 6181 HB pencil at Goliath 908 HB. Bukod sa hindi pagbili ng mga nasabing school supplies, pinayuhan pa ng grupo ang mga magulang na paalalahanan ang kanilang estudyanteng anak na huwag kagatin o isubo ang kanilang mga gamit na panulat o pang-drawing. Ugaliin din anya ang paghugas ng kamay matapos mag-drawing o anumang aktibidad ng pagsusulat. www.philstar.com/bansa/2013/04/15/930764/krayola-lapis-may-lason
|
|