|
Post by westgold on Nov 20, 2018 14:12:29 GMT 9
Opisyal nang idineklara ang muling pagbabalik ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao sa Estados Unidos kung saan nito dedepensahan ang hawak nitong WBA “regular” welterweight title kontra kay dating four-division titlist Adrien Broner. Sa isinagawang news conferencesa New York, gaganapin ang laban sa MGM Grand sa Las Vegas sa darating na Enero 19 (Enero 20 sa Pilipinas). READ: DepEd 'OK' sa Positive Discipline bill Matatandaang huling tumungtong sa ring ang eight-division world champion noong Hulyo kung saan nag-uwi ito ng seventh-round knockout victory kontra kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia. READ: Death penalty, inihirit vs 5 sa 11 suspects sa Khashoggi slay Ito ang unang KO win ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) simula nang padapain nito ni Miguel Cotto noong 2009. Sakaling magwagi kontra kay Broner (33-3-1, 24 KOs), posibleng makatunggaling muli ng “Fighting Senator” sa ibabaw ng ring si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. www.bomboradyo.com/pacquiao-broner-showdown-sa-enero-2019-pormal-nang-inanunsyo/
|
|