|
Post by westgold on Nov 20, 2018 13:10:42 GMT 9
Kinumpirma ngayon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na Mislatel consortium na ang bagong major telco player ng bansa. Nitong hapon nang ilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) ang tatlong pahinang confirmation order ng Mislatel matapos pumasa at magsumite ng kumpletong requirements noong November 7. Iginiit ng NTC na complete, valid at duly executed ang selection process kamakailan matapos maghain ng kontra-mosyon ang dalawang na-disqualify na telco bidders. Sa ngayon isasalang na sa 90-day post qualification evaluation ang Mislatel kung saan magsusumite ito ng mga karagdagang dokumento at Performance Security. Magbabayad din ng P25-billion performance bond ang telco consortium na non-refundable sakaling hindi ito makasunod sa nasabing palugit ng tatlong buwan. www.bomboradyo.com/ntc-kinumpirma-na-ang-mislatel-bilang-3rd-major-telco-player/
|
|