|
Post by westgold on Apr 9, 2018 22:24:34 GMT 9
Iba pang kompaniya, humabol sa abiso ng oil price rollback bukas Humabol na rin ang iba pang kompaniya ng langis para sa oil price rollback na ipapatupad bukas ng umaga. Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Petron, SeaOil, Jetti, Shell, Phoenix Petroleum, PTT at Eastern Petroleum na magbababa sila ng 40 sentimos kada litro sa halaga ng gasolina at 30 sentimos naman sa bawat litro ng diesel. READ: Graduating student, nagpakamatay dahil 'di napasama sa mga ga-graduate? Ipapatupad ito simula alas-6:00 ng umaga bukas, araw ng Martes. Sa kabila nito, ilang motorista ang nakukulangan sa bawas-presyo. Lumalabas kasing tatlong ulit nagkaroon ng price increase sa mga nakalipas na linggo, na kung susuriin ay mahigit P2 ang nadagdag sa halaga ng oil products. READ: PAGASA: Light to heavy rain, inaasahan sa Visayas, Mindanao areas Kaya ang nakatakdang price reduction bukas ay tinawag ng ilan na maliit at hindi angkop na pambawi sa naging pag-angat ng halaga nito mula noong buwan ng Marso. www.bomboradyo.com/iba-pang-kompaniya-humabol-sa-abiso-ng-oil-price-rollback-bukas/
|
|