|
Post by westgold on Mar 2, 2018 17:50:36 GMT 9
Sementeryo para sa mga hayop, binuksan ng Japanese national sa Davao Norte DAVAO CITY – Bukas na sa publiko ang sementeryo para sa mga hayop sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte. Napag-alaman ng Bombo Radyo Davao na matatagpuan ito sa Barangay Tagdalliao kung saan 8,000 hayop ang maaaring ilibing, at may sukat na 40×70 metro kwadrado. Itinayo ito ng Japan-Davao Friendship Association bilang bahagi nang pagpapalakas ng turismo sa rehiyon. READ: War zone commercial center sa Marawi, ipinasira ni Duterte Ayon sa chief executive director nito na si Jinishi Takashu, mababa lamang ang kanilang singil sa pagpapalibing at may common grave area naman para sa mga pet owners na walang sapat na budget. Dagdag ni Takasju na gusto nilang mawala ang takot ng iba patungkol sa seguridad sa Mindanao at Davao City, kaya inanyayahan ng grupo ang mga Japanese national na bisitahin ang sementeryo. READ: PCOO, doble-kayod sa gov't info drive - Andanar Ikinatuwa naman ng lokal na pamahala-an ng IGACOS ang pagtayo ng sementeryo para sa mga hayop dahil bago itong konsepto, at ginawang atraksyon sa mga turista. www.bomboradyo.com/sementeryo-para-sa-mga-hayop-binuksan-ng-japanese-national-sa-davao-norte/
|
|