Post by westgold on Nov 30, 2017 22:17:48 GMT 9
Kumpiyansa ang Malacańang na sa lalong madaling panahon ay uusad na ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng bagong Konstitusyon sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batid nitong ang proseso ngayon sa Kamara de Representantes ay mabilis at magkakaroon na ng “road show” para iprisinta sa taongbayan ang pagbabago sa Saligang Batas.
Ayon kay Sec. Roque, nais ni Pangulong Duterte na “urgent” ang pagbuo ng bagong Konstitusyon at pagpapalit ng porma ng gobyerno dahil naniniwala siyang hindi dapat na lahat ng kapangyarihan at lahat ng resources ng gobyerno ay nakatutok lamang sa Metropolitan Manila.
Bago nga raw umalis ng Kongreso si Sec. Roque ay nasimulan na ang nasabing hakbang, maliban pa sa inisyatibang ginagawa ng PDP-Laban (Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan) ni Pangulong Duterte gaya ng Institute for Federalism na walang tigil ang pag-iikot sa bansa.
“Well gaya ng sinabi ko po, ang Kongreso na ‘no, bago pa ako umalis ng Kongreso alam ko po eh nagkaroon na kami ng division of task ‘no. At hindi na po hihintayin ang Kongreso kung ano pa ang input dahil urgent po iyong nais na pagbabago sa Saligang Batas ng ating Pangulo ‘no.
At pangunahin na talaga diyan iyong porma gobyerno dahil talagang naniniwala siya na hindi na dapat na lahat ng kapangyarihan, lahat ng resources ay nakatutok lamang sa Metropolitan Manila.
At iyan naman po ay pangako ni Presidente doon pa sa kampanya at tingin ko naman po ay hindi na magtatagal eh umuusad na talaga ang proseso. Dahil ang alam ko po talaga mabilis ang proseso ngayon sa Kamara de Representantes at magkakaroon na po ng road show kumbaga para ipresinta sa taong bayan,” ani Sec. Roque.
www.bomboradyo.com/pagbabago-ng-konstitusyon-urgent-kay-duterte-palasyo/