|
Post by westgold on Sept 12, 2017 20:44:20 GMT 9
KALIBO, Aklan – Umaasa ang National Youth Commission (NYC) na haharangin ng Senado ang panukalang pagpapaliban sa Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sana sa susunod na buwan. Sa interview ng Bombo Radyo Kalibo, nanawagan si NYC Commissioner Rhea Buenaflor sa Senado na huwag gumawa ng version bill sa postponement ng eleksyon. READ: Ilang kaanak ng taxi driver na si Bagcal, ikinatuwa ang paglantad nito Sa kasalukuyan aniya ay naghain sila ng position letter sa Kongreso at Senado na ituloy ang halalan dahil lahat ng mga paghahanda ay ginawa na ng Commission on Elections (Comelec). Malaking kawalan umano ito sa mga kabataang Pinoy na hindi mabibigyan ng pagkakataon na marinig ang kanilang boses. READ: State of the city address ni Davao Mayor Sara Duterte, all set na Sinabi pa ni Buenaflor na ang malaking bilang ng mga kabataan na nagpaparehistro ay nagpapakita ng kanilang interest sa naturang halalan. Ipinasa umano ang Republic Act No. 10742 o SK Reform Act upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makibahagi sa halalan at maging mabuting public servants sa hinaharap. www.bomboradyo.com/nyc-sa-senado-pigilan-ang-pagpapaliban-sa-sk-elections/
|
|